Ads

Recipe #12 Pork Embutido

PAUNANG SALITA

Ang embutido ay Filipino version ng meatloaf. Kilala ito bilang handa tuwing Pasko at kung may mga pagsasalosalo kagaya ng birthdays. Pero ang hindi alam ng marami, isa itong simpleng lutuin na pwedeng gawin at ihanda sa pamilya kahit walang okasyon. Pwede itong pambaon ng mga bata sa eskwela o gawing negosyo para magbigay ng karagdagang kita.

MGA SANGKAP

1 kilo giniling na baboy
1 karot ginadgad
1 tasang keso hiniwa ng maliliit pa cubes
1 tasang bread crumb
1/2 tasang pasas
1 lata ng Vienna sausage hiwain sa gitna or hot dog kung ano ang available
3 pirasong nilagang itlog hiniwa sa apat pahaba
1/2 tasang sweet picles na durog
1 sibuyas hiniwang maliit
siling amerikano, pula at berde hiniwa maliit
2 itlog hilaw

Paraan ng Pagluluto:

1) paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa 3 nilagang itlog at vienna sausage
2) ilatag ang foil, ilatag ang nagawang giniling sa foil igitna ang nilagang itlog at vienna sausage.

3) steam ng 45 minuto hanggang isang oras.

Mga Dapat Tandaan:

1) Siguraduhin na pagbinalot ang embutido ay mahigpit ang pagbabalot.
2) Siguraduhin naka gitna ang itlog at sausage pag binalot ng foil ang mix giniling (Embutido mixed)
3) Dapat magkakasinglaki ang embutido para sabay sabay maluto.
4) Palamigin bago ipasok sa ref at hiwain.
5) Perfect with Banana Catsup.

Hindi kailangang mahal. Basta puno ng pagmamahal.  Enjoy!



    


Ads

Go to top